Do-or-die game ng San Beda vs Letran mamayang hapon na

MASASAKSIHAN ang isang klasikong college basketball championship mamayang hapon sa paghaharap ng defending champion San Beda College (SBC) Red Lions at Colegio de San Juan de Letran Knights.

Ganap na ala-1:00 ikakasa ang do-or-die Game 3 ng Red Lions at Knights sa makasaysayang Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Letran coach Louie Alas, wala silang masyadong preparasyon sa game kundi puro sa mental side na lamang dahil naikasa na nila ang kanilang estratehiya simula pa lamang ng kanilang laban.

Aniya, kung sinong team na kayang hawakan ang pressure at determinadong manalo ang siyang makakukuha ng titulo bilang NCCA champion.

Para naman kay San Beda coach Ronnie Magsanoc, gagawin nila ang lahat para makuha ang “three-peat” title pero hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalye kung ano ang gagawin ng kanyang players.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply