DOH bubuo ng guidelines sa stem cell therapy clinic

SISIKAPIN ng Department of Health (DOH) na makapagpalabas ng guidelines kaugnay ng mga naglipanang mga stem cell therapy clinic sa bansa.

Kaugnay nito, nanawagan si Health Secretary Enrique Ona sa publiko na ipagpaliban muna ang mga ine-schedule nilang pagpapasailalim ng stem cell therapy, lalo’t hindi alam kung anong proseso ang ginagawa sa naturang therapy, lalo na umano yung ginagamitan ng stem cells na nagmumula sa hayop.

Ayon kay Dr. Ona, posibleng sa loob ng 2 linggo ay makapagpalabas ng paunang rekomendasyon ang binuong panel of experts, matapos ang dialogo sa mga nagpapatakbo ng mga stems cell theraphy sa bansa.

Kaugnay nito, binalaan ni Sec. Ona ang publiko na lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao lalo na kung di tunay na stem cell therapy, tulad ng mga nagpapaturok ng stem cells mula sa hayop at di malayong mas advance stage ng kanser ang makuha mula dito.

Bagamat aminado ang DOH na may binuo silang team na mag-momonitor sa mga stem cell theraphy clinic sa bansa ay wala pa silang komprehensibong listahan ng mga klinika na nagsasagawa ng nasabing therapy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply