DOH: Fungal-meningitis, wala pa sa Pinas

TINIYAK ng Department of Health (DOH)sa publiko na hindi pa nagkakaroon ng fungal meningitis sa bansa.

Ginawa ng DOH ang hakbang para mapawi ang pangamba ng marami matapos magdeklara ng outbreak sa Estados Unidos dahil sa pagkamatay ng pito katao.

Ayon kay DOH Asec. Eric Tayag, wala pang naiuulat na nakarating sa bansa ang naturang sakit kung saan isa umano itong infection na sumisira sa utak ng isang tao .

Gayunman, sinabi ni Tayag na kailangan pa ring mag-ingat ang publiko upang makaiwas sa mga sakit.

Pinayuhan din ni Tayag ang mga magulang na ugaliing pabakunahan ang kanilang mga anak habang bata pa upang may panlaban sa mga sakit.

Gayundin, panatilihin din umanong maging malinis sa katawan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply