DOH guidelines sa stem therapy oks doctors

SUSUNOD sa ipapalabas na guidelines o panuntunan ng Department of Health ang mga stem cell therapist doctor upang matiyak na tama ang isasagawa nilang “procedure”  sa nabanggit na “stem cell therapy”.

Sinabi ni  Dr. Jim de Castro, Filipino stem cell therapy expert, na nakahanda silang sumunod sa anumang guidelines na ipapalabas ng kagawaran ng kalusugan.

Ayon kay de Castro, naniniwala sila na makakabuti sa mamamayan ang mga guidelines na ilalabas  para sa naglipanang stem cell therapy clinic sa bansa.

Sinabi ni de Castro, na marami na ang sumusubok sa nasabing therapy dahil sa paniniwalang mas madali ang gamutan nito at mas matipid sa gastusin.

Gayunman, pinayuhan ni de Castro ang publiko na mas mabuti panatilihing maging malusog ang pangangatawan,walang bisyo upang maging maganda ang kalalabasan ng isasagawang stem cell therapy kapag malinis ang dugong makukuha na siya ring ituturok sa katawan ng isang pasyente.

Una nang nanawagan si Health Secretary Enrique Ona sa publiko na ipagpaliban muna ang mga ine-schedule nilang pagpapasailalim ng stem cell therapy, lalo’t hindi alam kung anong proseso ang ginagawa sa naturang therapy, lalo na umano yung ginagamitan ng stem cells na nagmumula sa hayop.

Inaasahan namang makakapaglabas ng paunang rekomendasyon sa loob ng 2 linggo ang binuong panel of experts, matapos ang dialogo sa mga nagpapatakbo ng mga stems cell therapy sa bansa.

Kaugnay nito, binalaan ni Sec. Ona ang publiko na lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao lalo na kung di tunay na stem cell therapy, tulad ng mga nagpapaturok ng stem cells mula sa hayop at di malayong mas advance stage ng kanser ang makuha mula dito.

Bagamat aminado ang DOH na may binuo silang team na mag-momonitor sa mga stem cell theraphy clinic sa bansa ay wala pa silang komprehensibong listahan ng mga klinika na nagsasagawa ng nasabing therapy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply