DOH: Hindi pa pinal ang pag-aaral ukol sa mas mapanganib ang auto-LPG

NILINAW ng Department of Health (DOH) na hindi pa pinal ang pag-aaral na nagsasabing mas mapanganib ang paggagamit ng auto-LPG sa mga taxi.

Bagamat may mga ilang taxi driver na nakakaranas ng panunuyo ng lalamunan ay inihayag naman ng DOH na hindi nila ipinagbabawal ang paggamit ng auto-LPG.

Gayunman, ilan na rin sa mga tsuper ng taxi ang nagpalit na ng gasoline upang matiyak na hindi sila magkakaroon ng anomang sakit lalo na sa baga.

Una na ring sinabi ni DOH-NCR regional Director Dr. Eduardo Janairo na ang paggamit ng auto-LPG ay lubhang delikado kapag mali ang conversion.

Pinayuhan naman ni Janairo ang mga operator at taxi drivers na mabuting magpa-convert sa mga accredited na kumpanya upang makaiwas sa aksidente at ang pagkakaroon ng leak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply