DOH: Kaso ng HIV/AIDS sa CamSur tumaas

NAALARMA ngayon ang Departmemt of Health matapos na makapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng sakit na HIV/AIDS sa Camarines Sur.

Ayon sa DOH, 35 na ang kaso ng HIV/AIDS na naitala sa lalawigan umano’y pinakamataas na kaso sa buong rehiyon sa nakalipas na buwan lamang ng Agosto 2012.

Dahil dito, puspusan ngayon ang kampanya ng local na pamahalaang pangkalusugan sa kampanya kontra sa naturang sakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang impormasyon upang makaiwas sa naturang sakit.

Pangunahing tinutulan ngayon ng Kagawaran sa lalawigan ang entertainment establishments, clubs o beerhouse kung saan inoobligang sumailalim sa eksaminasyon ang lahat ng manggagawa .

Nabatid na sa loob ng isang buwan ay mahigpit na ipinatutupad ang dalawang beses na pagpapa-eksamin ng mga manggagawa  hindi lamang ang GRO kundi maging ang mga cashier, bouncer, cook upang sa gayun ay matiyak kung sila ay negatibo o positibo sa HIV/AIDS.

Tututukan na rin ng DOH ang ilang government o private offices, OFW placement office, tourist destination, barangay at ang paaralan upang mabigyan ng impormasyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply