DOH: Milagros, Masbate ligtas na sa red tide

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na maaari nang kainin ang mga shellfish na makukuha mula sa coastal waters ng Milagros, Masbate.

Ito ay batay sa Shellfish Bulletin No. 24 ng Bureau of Aquatic Resources (BFAR) na ipinadala sa tanggapan ng DOH.

“…coastal waters of Milagros, Masbate is now free of the toxic red tides,” anang BFAR sa naturang bulletin.

Samantala, sa nasabi pa ring shellfish bulletin, sinabi ng BFAR na positibo pa rin sa paralytic shellfish poison na lampas sa regulatory limit ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental.

Dahil dito, hindi pa ligtas kainin ang mga shellfish at alamang na makukuha mula rito.

Gayunman, maaari namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango na makukuha sa naturang lugar, bagamat kailangang tiyakin na sariwa at nahugasan itong mabuti.

Dapat rin umanong alisin ang bituka ng mga ito, gayundin ang hasang, bago lutuin.

Nabatid naman na kabilang pa sa mga lugar na ligtas sa red tide ay ang coastal waters ng Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bulacan at Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal) sa Manila Bay; coastal waters ng Bolinao, Anda, Alaminos at Wawa, Bani sa Pangasinan at Masinloc Bay sa Zambales.

Ligtas na rin sa red tide ang coastal waters ng Mandaon sa Masbate; Juag Lagoon sa Matnog at Sorsogon Bay sa Sorsogon; Honda at Puerto Bays sa Puerto Princesa City at Inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan.

Maging ang coastal waters ng Pilar, President Roxas, Panay, Roxas City, Ivisan at Sapian sa Capiz; coastal waters sa E.B. Magalona, Pontevedra, Pulupandan, Valladolid, Talisay City, Silay City, Bacolod City, hinigaran, Cadiz City, Victorias City, Bago City, Binalbagan at San Enrique sa Negros Occidental ay wala na ring red tide.

Maaari na ring kainin ang mga shellfish mula sa Irong-irong, Maqueda at Villareal Bays sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Ormoc, San Pedro, Cancabato at Carigara Bays sa Leyte; Biliran waters sa Biliran Province; Hinatuan, Bislig at Lianga Bays sa Surigao Del Sur; Balite Bay, Mati, Davao Oriental at Taguines Lagoon sa Benoni Mahinog, Camiguin Island.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply