DOH nababahala sa pagbibitiw ni Recto

NABABAHALA ngayon ang department of Health (DOH) sa pagbibitiw ni Senator Ralph Recto bilang chairman ng Senate committee on ways and means.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, nagtataka siya kung bakit nagbitiw ang senador gayung hindi pa pinal ang committee report nito dahil pagdedebatehan pa ito.

Bukod dito, halo-halong emosyon ang naging reaksyon ng DOH sa pagbibitiw ni Recto matapos batikusin bersyon nito ng Sin Tax Bill na malayo sa nais maipasa ng Malakanyang.

Umaasa naman si Ona na hindi tuluyang babawiin ni Recto ang kanyang report dahil nababahala siya na magsisimula na naman sila sa wala.

Anang kalihim, katakut-takot na umanong debate ang kanilang pinagdaanan at tiyak na matatagalan na naman kung magba-“back-to-zero” ang panukalang batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply