DOH nagbabala laban sa stem cell therapy

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa nauusong stem cell therapy para sa medical at aesthetic purposes.

Ito’y kasunod na rin nang pagiging ‘in demand’ ngayon sa buong mundo ang stem cell bilang therapy sa oncology, end-organ diseases at regenerative medicine, kung saan maging sa Pilipinas ay naobserbahan na rin umano ang pagdami ng mga ‘center’ na nag-aalok ng stem cell at aesthetic purposes.

Sa isang advisory, sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na ang stem cell therapy ay hindi pa rin bahagi ng standard of care at ikinukonsidera pa rin bilang ‘investigative procedure for compassionate use.’

Ayon kay Ona, ang aplikasyon ng stem cell bilang lunas sa malignancies, blood disorders, degenerative diseases tulad ng  Alzheimer’s Disease, metabolic diseases tulad ng  diabetes, at immune cell therapy ay isinasailalim pa rin ng clinical evaluation at pag-aaral.

“While research has shown that adult stem cells and umbilical cord stem cells are the safest and most ethical, the public is warned that claims of preventive and curative benefits of stem cell therapy are still on their investigative stage. Thus, the Department of Health advises the public to be cautious with stem cell therapies being promoted in the media or through word of mouth,” bahagi ng advisory ng DOH na pirmado ni Ona.

Sinabi pa ng Kalihim na bumubuo na ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) at ang DOH ng standards at regulations upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at matugunan ang mga ‘ethical concerns’ hinggil sa paggamit ng stem cells sa research at medicine.

Pinapayuhan rin ni Ona ang publiko na iwasan ang stem cell therapies na gumagamit ng embryonic stem cells, aborted fetuses, genetically-altered at animal fresh cells, bilang sources ng stem cells.

Tiniyak rin ni Ona na magpapalabas sila ng guidelines sa paggamit ng stem cell therapy at ng proseso para sa pagpapalisensiya ng mga nag-aalok ng naturang serbisyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply