DOH sa metro residents: Gumamit ng tap water

HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa Metro Manila na gumamit ng tap water para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ang panawagan ni DOH Center for Health Development – National Capital Region (CHD-NCR) Director Eduardo C. Janairo ay kasunod ng kampanya ng DOH na naglalayong maibalik ang tiwala ng publiko sa de kalidad na tap water at mabawasan ang pagiging dependent ng mga ito sa bottled water.

Kasabay nito, tiniyak ni Janairo na de kalidad, ligtas at malinis ang tubig na isinusuplay ng dalawang water concessionaires sa Metro Manila na kinabibilangan ng Maynilad Water Services, Inc. (MWSI) at ng Manila Water Company, Inc. (MWCI).

Ayon kay Janairo, dumaraan ang dalawang pasilidad sa buwanang eksaminasyon ng Metro Manila Drinking Water Quality Monitoring Committee upang matiyak na ligtas ang tubig ng mga ito para sa kapakanan ng mga residente ng Metro Manila.

Iginiit din ni Janairo na mas malaki ang matitipid ng mga mamamayan sa paggamit ng tubig na lumalabas sa kani-kanilang gripo kumpara sa bottled water na kanilang binibili.

Sinabi pa ni Janairo na ‘beneficial’ din sa kalusugan ng tao ang tap water dahil may taglay itong essential minerals na kinakailangan ng katawan ng tao tulad ng magnesium, na nagmamantine ng immune system at nakapagpapababa ng blood pressure.

Aniya, mayroon rin itong iron na nakatutulong naman sa maayos na sirkulasyon ng dugo para sa mas maayos na delivery ng oxygen sa katawan at sulphate na ginagamit ng katawan sa paglilinis at nagsisilbing detoxifying agent para sa mas malakas na skeletal system at nagpapatibay ng ngipin.

“Also, it is more economical than buying bottled water, it is safe and non-toxic because you don’t have to store it in a plastic container, it has no expiration date and most important we can lessen the use of plastic bottles that are usually the cause of clogged canals and environmental pollution when not properly disposed of,” paliwanag pa ni Janairo.

Nabatid na sa Metro Manila, ang isang tao ay nakakakonsumo ng halos 3,500 litro ng tubig o katumbas ng 3.5 cubic meters buwan-buwan. Ginagamit ito sa paglalaba, paghuhugas ng plato, paliligo, pag-flush ng toilet, at iba pang pang-araw-araw na gawain.

Samantala, pinayuhan pa ni Janairo ang publiko na tiyakin na ang binibiling tubig mula sa mga refilling station ay malinis matapos na lumitaw sa isinagawang monitoring nitong Agosto 2012 na sa 1,284 water refilling stations na nasa Metro Manila, tanging 1,242 lamang ang nakapasa sa potability standards na itinatakda ng Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW).

“Consumers are advised to look for the monthly microbiological quality results posted in their ‘suki’ or ‘selected’ refilling stations to ensure that the water they buy is safe and potable,” payo pa ni Janairo. “The safety of our water is everyone’s responsibility. As the concessionaire’s accountability ends with the meter, so does our responsibility begins. We should periodically check for leaks and illegal connections in our pipelines and take time to report them. Water conservation is the first step in keeping our health safe.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply