DOJ: Danyos sa kaanak ng 8 biktima ng Luneta hostage, malabo

MALABO umanong mabigyan ng legal aid ang mga kaanak ng mga napatay sa naganap na hostage crisis na ikinamatay ng walong Hongkong nationals sa Qurino Grandstand ilang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, malabo ang iginigiit ng korte ng Hongkong kaugnay sa danyos na hinihingi  ng pamilya ng mga nasawi .

Ito ay dahil umiiral pa rin, aniya, ang immunity from suit sa ilalim ng international law.

Dahil dito, hindi mangyayari, aniya, ang desisyon ng korte ng Hongkong na bigyan ng danyos ang kaanak ng mga biktima.

Matatandaan na naganap ang hostage crisis sa Grandstand noong Agosto 2010 dahil sa pagsesentimiyento ng dating pulis-maynila na si SPO2 Rolando Mendoza na nagresulta naman ng pagkakapatay sa walong turistang Hongkong nationals  sa loob ng tourist bus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply