DOJ panel itinatag para sa Olalia double murder case

BUMUO ang Department of Justice ng panel of prosecutors na mangunguna sa pag-usig sa mga akusado sa brutal na pagpatay kina Rolando Olalia ng Kilusang Mayo Uno at ng driver nito na si Leonor Alay-ay.

Sa isang pahinang Department Order No. 860 na may petsang October 12, 2012, pingalanan ni Justice Secretary Leila de Lima ang mga miyembro ng lupon na sina Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva, Senior Assistant State Prosecutor Edna Valenzuela at Assistant State Prosecutors Hazel Valdez at Benito Oliver Sales the Third at Assistant Provincial Prosecutor Maria Ronatay.

Kaugnay nito, inaatasan ng kalihim ang mga beteranong prosecutor na tiyakin ang conviction ng mga sangkot sa pagpatay kina Olalia at Alay-ay.

Matatandaan na noong November 12, 1986, dinukot, pinahirapan at pinatay ng mga hinihinalang elemento ng AFP ang dalawang biktima.

March 18, 1998 nang masampahan ng kaso sa korte ang mga suspek na sina Dating Air Force Colonel Eduardo “Red” Kapunan, Oscar Legaspi, Ricardo Dicon, Cirilio Almario, Filomeno Crizaldo Maligaya at walong iba pa.

Ang pagbuo ng DOJ sa panel of prosecutors ay ginawa makaraang mabasahan ng sakdal nitong Miyerkules si Kapunan sa kasong pagpatay kina Olalia at Alay-ay sa Antipolo Regional Trial Court Branch 9, mahigit isang linggo makaraan siyang sumuko sa mga awtoridad sa Capiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply