DOJ, PPA lumagda ng MOA vs human trafficking

LUMAGDA ng isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang Philippine Ports Authority (PPA) at Department of Justice (DoJ) para labanan ang human trafficking.

Lumagda sina Secretary Leila de Lima at PPA General Manager Juan Sta. Ana sa MOA para mabigyan ng logistic support ang PPA sa pagpapaigting ng information campaign sa human trafficking bilang bahagi na rin ng pagtalima sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 o Republic Act 9208 sa mga daungan at passenger terminal building na sakop ng ahensya sa buong bansa.

Ayon naman kay De Lima, ang pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa human trafficking ay ang pangunahing sandata na kanilang gagamitin laban sa mga sindikato ng human trafficking.

Ang kasunduan ayon pa sa kalihim ay isang joint declaration of war.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply