Doktor, empleyado ng 3 ospital sa QC lumayas

NAG-WALKOUT ang mga doktor at empleyado ng tatlong pangunahing pampublikong ospital sa Quezon City bilang protesta kontra sa napipintong pagsasapribado ng mga ospital ng gobyerno kaninang tanghali.

Halos sabay-sabay na naglabasan ang mga kawani ng East Avenue Medical Center (EAMC), Philippine Heart Center (PHC) at Philippine Orthopedic Center (POC), saka sumama sa  grupo ng mga militante na sumalubong sa kanila habang naunang nagprograma sa labas ng mga pagamutan.

Reklamo ng mga  doktor at militante,  na huwag  aniyang gawing negosyo o pagkakitaan ang serbisyong medikal sa mga ospital ng gobyerno.

Naniniwala ang PHC Employees Association – Alliance of Health Workers na sakali aniyang maisapribado na ang government hospitals, tataas na ang mga bayarin na magreresulta sa maraming Pinoy na hindi na kakayaning makapagpapagamot.

Partikular na tinututulan ng mga nagprotesta ang panukalang batas sa Kongreso na naglalayong gawing pribado ang 26 ospital sa bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply