Doktor sinuspinde sa pamemeke ng dokumento

SINUSPINDE ng Professional Regulation Commission (PRC)  ang isang doctor dahil sa pamemeke ng dokumento.

Bukod sa isang taon suspension na ipinataw ng PRC, inatasan din si Dr. Juanito Billote na isurender ang kanyang certificate of registration, professional license, at professional ID card.

Sa desisyon ng PRC Board of Medicine, si Billote ay napatunayang guilty ng ‘misrepresentation’ na isa siyang clinical pathologist at ‘submitting falsified documents’ bilang suporta sa kanyang misrepresentation.

Ang suspension ng nasabing doctor ay bunsod ng reklamo ng Philippine Society of Pathologists at Bureau of Health Facilities and Services ng Department of Health (DOH) .

Nabatid na dating Vice Chancellor ng University of the Philippines (UP) at propesor sa UP College of Medicine si Billote.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply