DOLE sa OFWs sa Kuwait: Ayusin ang work visa

PINAYUHAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga overseas Filipino worker (OFW) na gumagamit ng commercial visa na ayusin ang kanilang visa upang maayos na makapagtrabaho sa Kuwait

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nakatanggap sila ng mga reklamo mula kay Kuwait Labor Attache David Des Dicang kaugnay sa employment ng mga manggagawang Pinoy sa Kuwait na gumagamit ng commercial visa.

Paliwanang ng Dole, ang commercial visa ay para lamang sa job assessment at hindi para sa trabaho.

Ayon kay Baldoz, ang sinumang manggagawang Pinoy na gumagamit ng commercial visa ay hindi maaaring makapagsampa ng reklamo sa Ministry of Labor.

Paliwanag naman ni Dicang, walang posisyon ang gobyerno upang malaman ang mga alituntunin sa trabaho ng isang manggagawa kung siya ay dumating sa Kuwait gamit ang commercial visa.

Payo ni Baldoz sa mga Pinoy workers na ayusin ang kanilang work visa sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply