Dollar remittances ng OFWs, sumirit – BSP

TUMAAS ang cash remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa buwan ng Agosto, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Batay sa tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, 7.6% ang itinaas ng cash remittances ngayong taon kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Napag-alaman na umabot sa $1.8 billion ang napadalang pera ng mga OFW sa bansa nitong buwan ng Agosto, higit na malaki kumpara nitong 2011 na nasa $1.67 billion lamang.

Ayon kay BSP Office in Charge Juan De Zuñiga, malaking naitulong sa paglago ng remittances ang mahabang kontrata ng mga sea at land base workers.

Nangunguna ang Amerika sa mga bansa na pinanggalingan ng 43% ng cash remittance ng Pilipinas, habang sinundan ito ng Canada, Saudi Arabia, United Kingdom, Japan, UAE at Singapore.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply