Donaire binati ng Malakanyang sa pagkapanalo

BINATI ng Malakanyang si Nonito “the Filipino flash” Donaire sa pagkapanalo nito kay dating WBC champion emeritus Toshiaki Nishioka ng Japan.

Napanatili ni WBO/IBF champion Donaire ang kaniyang winning streaks nang talunin si (Toshiaki) Nishioka ng Japan.

“congratulations on retaining your IBF and WBA Superbantamweight title by technical knockout,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Sa ulat, sa buong laban ay kontrolado ng tinaguriang “the Filipino flash” ang tempo sa ibabaw ng ring.

At pagsapit ng Round 6, napuruhan ni Donaire ang kalaban at napabagsak sa lona.

Bagama’t nagawa pang makaganti ng Japanese fighter sa sumunod na round pero pagdating ng 9th Round, muling napabagsak ng Pinoy champion ang laban.

Sa oras na 1:54, mismong ang corner na si Nishioka ang nagdesisyon na itigil ang laban at igawad kay Donaire ang technical knockout victory.

Samantala, maging si Top Rank promoter Bob Arum ay kumbinsidong wala nang makakasira sa legacy ni Donaire sa 122-pound division.

Ipinagmalaki pa ng promoter na tiyak umanong kandidato sa “Fight of the Year” ang laban ng dalawa sa Home Depot Center sa Los Angeles, California.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply