Donaire dismayado sa kalaban

MATINDING pagpapakitang gilas ang ipinakita ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ng kawawain nito si Japanese figh­ter Toshiaki Nishioka kaya maaaring wala ng humamon sa kanya sa dibisyon nito.

Nanatili kay Donaire ang kanyang titulo matapos ang impresibong ninth round technical knockout win sa World Boxing Organization super-bantamweight title kahapon na ginanap sa Home Depot Center sa Carson, California.

Dismayado si Donaire sa kanyang kalaban dahil inakala nito na matibay at magaling ang hapon kaya pagkatapos ng laban ay hinahamon ni Donaire ang mga magagaling na boksingero sa kanyang dibisyon.

Sinabi rin ni Donaire na kung wala na siyang makakalaban sa kanyang dibisyon ay nakahanda ito sa 126 lbs division.

Si WBC super bantamweight champion Abner Mares ang isa sa malulupit sa dibisyon ni Donaire subalit malabong magtapat ang dalawa dahil nasa ilalim ng Goden Promotions ang una habang nasa Top Rank ang huli.

Hindi makasabay sa bilis ni Donaire si Nishioka kaya isang malulutong na right straight sa panga ang pinadampi ng Pinoy sa hapon.

Dalawang beses humiga sa lona si Nishioka bago tinapos ni Donaire gamit ang matinding kaliwang uppercut upang itigil ni referee Raul Caiz Sr. ang tagisan sa 1:54 ng ikasiyam na round.

Sa sixth round unang bumulagta si Nishioka nang tamaan din ng left uppercut sa baba na halos minani lang ni Donaire ang istilo ng kalaban.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply