Donaire, tagumpay vs Japanese boxer Nishioka

MATAGUMPAY na naidepensa ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. ang kanyang titulo laban sa Japanese boxer na si Toshiaki “The Speed King” Nishioka sa home depot center sa Carson, California.

Bago natapos ang ika-9 round pinatigil na ng referee ang laban bago pa tamaan sa mukha ng counter punch ni Donaire ang Japanese boxer.

Una rito, napabagsak ni Donaire sa round 6 si Nishioka sa pamamagitan ng upper cut.

Sa unang round pa lang ng laban ay nagpakita na ng mabilis na footwork at malalakas na suntok si Donaire.

Si Donaire ay may record na 30-1 win-loss record na may 19 na knockout.

Bunsod nito, nanatili kay Donaire ang kanyang World Boxing Organization (WBO) at International Boxing Federation Super Bantamweight titles laban kay Nishioka.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply