DOTC chief: Gobyerno bukas sa pagsasapribado sa MRT

NILINAW ni Transportation Secretary Joseph Emilio “Jun” Abaya na bukas ang pamahalaan sa pagsasapribado ng MRT kung ito’y mas makakabuti sa mamamayan.

Gayunman, kaya na, aniya, itong pangasiwaan ng gobyerno dahil maganda na ang credit rating nito sa ibang bansa.

“May private sector option. Pinag-aaralan natin kung mas makakabuti sa ating taumbayan. Mas mababang rate therefore mas mababang fee.”

“Another option is pamahalaan na lang mismo ang bibili nito dahil maganda na po ang credit rate ng ating bansa,” aniya.

Aminado naman si Abaya na kaya hindi pa matiyak kung kailan maipapatupad ang fare increase dahil alam ng ahensya na maghahanap ng magandang serbisyo ang publiko.

Inamin din ni Abaya na hindi ganoon kadaling mapaganda at mapabilis ang serbisyo ng MRT lalo’t ilang taon na ang lumipas simula nang bilhin ito.

“Generally, yan naman ang konsepto kaya hindi naman firm na firm talaga kung magsalita ang DOTC na tuloy na ito.”

“Magiging expectation ng taumbayan na kung may fare increase, may remarkable improvement of service.”

“Luma rin tong system, pagpapalit ng mga sistema ay hindi agarang nagagawa overnight,” aniya.

Bagama’t hindi magiging mabilis ang pagpapaganda ng sistema ay may ginagawa na, aniya, ang pamahalaan na mga paraan upang mas maging maayos ang operasyon ng MRT.

Kabilang dito ang pagdadagdag ng mga bagon upang mas maging maluwag ang bawat biyahe at maiwasan na rin ang over capacity ng pagsasakay ng mga pasahero.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply