DOTC, MMDA, PNP magsasanib-pwersa sa Undas

MAGSASANIB puwersa na ang Department of Transportation and Communications (DOTC), at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga pulis sa pagbibigay seguridad sa mga airport,  pantalan at bus terminal.

Ang hakbang ay bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga magtutungo sa mga lalawigan upang gunitain ang Undas.

Gayunman, kaunti pa lamang ang pasahero na bumiyahe kaninang umaga.

Inaasahan namang bubuhos ang mga pasahero simula bukas hanggang Miyerkules, Oktubre 31.

Bagaman bahagyang mababa ang bilang ng mga pasahero kaninang umaga, mahigpit na seguridad pa rin ang ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng transport terminal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply