DOTC Sec Abaya pinagpapaliwanag sa palpak na navigation system

PINAGPAPALIWANAG ng mga kongresista ang bagong kalihim ng Department of Transportation and Communication na si Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya kaugnay sa palpak na navigation system ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang kapalpakang ito ang nagdulot ng kanselasyon ng mmaraming local at international flights.

Binigyang diin nina House Minority Leader Danilo Suarez at Deputy Minority Leader Mitos Magsaysay na dapat mayroong back up system ang NAIA upang  pumalya man ang Very High Frequency Omnidirectional Radio Range o VOR ay mayroon agad alternatibong magagamit.

Sinabi pa ng dalawang kongresista na dapat  aksyunan agad ito ng gobyerno at hindi dapat balewalain dahil maaaring magresulta ito ng trahedya at magdulot ng negatibong epekto sa turismo at ekonomiya ng bansa.

Paliwanag ni Suarez na masyadong nakakabahala ang  mga ganitong insidente lalo na ngayon pa lamang bumabawi ang Pilipinas matapos ang matagal na pagkaka-down grade dahil sa palpak na sistema ng paliparan.

Sinisisi rin ni Magsaysay ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na may kasalukuyang sigalot ang mga opisyal nito na naging dahilan aniya ng aberya sa VOR.

Aniya, noong nagbitiw ang general manager ng CAAP na si Gutierrez at pinalitan ni William Hotchkiss ay nagbitiw na rin ang dalawang general manager for operations at hanggang sa kasalukuyan ay wala umanong pumapalit sa dalawa kundi tanging deputy director- general for finance na base sa kanyang paliwanag sa Kamara ay sideline lamang nito.

Giit ni Magsaysay na kailangang makialam dito si Abaya at personal na tingnan ang sitwasyon  sa CAAP upang hindi na maulit pa ang insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply