Draconid meteor shower masasaksihan

MAGPAPAKITANG GILAS sa kalangitan ang makulay na Draconid meteor shower ngayong Oktubre 7-8, 2012, ito ang pahayag ng National Aeronautics and Space Administration (NASA).

Ang naturang meteor shower ay isa sa mga inaabangan ng lahat dahil sa dami ng bulalakaw na makikita tuwing sumasapit ito.

Noong 2011 lamang, ilang European meteor watchers ang nakapagdokumento ng mahigit 600 bulalakaw sa loob lamang ng isang oras.

Ayon sa NASA, hindi ito sindami ng naitala noong 2011 napakaganda pa rin nito dahil mas mabagal ang pagdaan ng Draconids.

Tinatawag rin itong Giacobinids dahil nagmula ang mga bulalakaw sa debris ng comet 21P/Giacobini-Zinner.

Nagsimulang maging popular ang annual Draconid meteor shower noong 1933 kung saan mistulang umulan ng bulalakaw dahil sa libu-libong meteors na namataan sa papawirin.

Naulit pa ito noong 1946 kaya halos taun-taon na itong hinihintay ng milyon-milyong meteor watchers sa buong mundo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply