Drilon ipinalit kay Recto sa Sin Tax bill

NAGKASUNDO ang buong Senado sa ipinatawag na all-senator caucus ni Senate President Juan Ponce na ipalit si Sen. Franklin Drilon kay Sen. Ralph Recto na nagbitiw bilang chairman ng Senate committee on ways and means na tumatalakay sa sin tax bill.

Mula sa mahigit tatlong oras na caucus nitong Martes, inihayag ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na napagkasunduan ng buong Senado na italaga si Drilon bilang acting chairman ng komite upang maipagpatuloy ang pagtalakay sa sin tax bill.

“For the record, Mr. President, according to our Rules, the Senate hereby designated Sen. Franklin Drilon as the acting chairman of the Senate committee on ways and means,” ayon kay Sotto.

Kasunod nito, inaprubahan naman ni Enrile ang manipestasyon ni Sotto na nagtatalaga kay Drilon bilang acting chairman ng naturang komite.

Nitong Lunes, nagbitiw si Recto bilang chairman ng naturang komite matapos akusahan na tumanggap ng lobby money mula sa multi-national companies na gumagawa ng sigarilyo partikular ang Philip Morris na may pinakamalaking planta sa lalawigan ng Batangas.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Recto na hindi na niya makayanan ang paratang ng ilang sector na tumanggap ito ng suhol mula sa kompanya ng tabako upang pagaangin ang buwis na ipapataw sa alak at sigarilyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply