Drilon tablado kay Recto sa Sin tax report

TINABLA ni Sen. Ralph Recto ang kaalyadong si Sen. Franklin Drilon na gamitin ang kanyang committee sa kontrobersiyal na Sin Tax bill matapos magbitiw bilang chairman ng Senate committee on ways and means.

Sa interview nitong Miyerkoles, sinabi ni Recto na maghahain siya ng mosyon sa plenaryo upang tanggihan ang panukalang gamitin ang kanyang committee report sa Sin Tax bill dahil pag-aari niya ang nilalalaman nito.

“Hindi ko naman inaabandona ang aking posisyon, and I will provide inputs, but I will respectfully  request on the floor not to use my report, which is a product of the arduous public hearing, which I wrote,” ayon kay Recto.

“It is my intellectual property, it is the product of my own mind, why use my report,” dagdag pa ni Recto.

Ayon kay Recto, bakit pa nila gamitin ang kanyang report samantalang umani ito ng batikos dahil hindi alinsunod sa kagustuhan ng Malacanang na dapat kumita ang gobyerno ng P60 billion na buwis mula sa alak at sigarilyo sa unang taon ng implementasyon ng tax measure.

“If may report is so bad, why use it?” tanong ni Recto.

Iginiit ng senador, sarili nitong wordings ang nakapaloob sa binatikos na committee report kaya’t tanong nito bakit hindi sila gumawa ng sariling pag-aaral upang pagbatayan ng debate sa plenaryo.

Mungkahi ni Recto maaaring i-adopt ng committee ni Drilon na siyang acting chairman ng Senate ways and means committee ang panukalang batas ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na mas malapit sa kagustuhan ng Malacanang dahil pipirma siya rito.

Magugunitang sa version ni Recto, kikita lamang ang pamahalaan ng hanggang sa P20 billion na buwis na lubhang malayo sa P60 billion na isinusulong ng Finance Department.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply