Driver inatake sa puso: taxi na-sandwhich sa 2 bus

NAGMISTULANG sandwhich ang tatlong sasakyan makaraang maipit sa gitna ng dalawang bus ang isang taxi sa  southbound lane ng Edsa-Kamuning, Quezon City.

Nabatid na naipit ang  Safe taxi (UVX 297) ng mga bus ng Marikina Autoline Transport Corporation at Royal Couple.

Ayon sa salaysay ng konduktor ng  Royal Couple bus, naganap ang aksidente makaraang atakihin sa puso ang kanilang driver na kinilalang si  Edgardo Arellano at nawalan ng control sa sasakyan kung kaya bumangga sa taxi na pumailalim naman sa nasa harapan nitong Marikina Autoline bus.

Agad na isinugod sa East Avenue Medical Center si Arellano at masuwerteng walang nasugatan sa mga naturang aksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply