Driver kritikal, anak sugatan sa pananaga

KRITIKAL ang isang 28-anyos na pedicab driver habang sugatan naman ang 10-anyos na anak nito nang pagtatagain ng umano’y dati nitong kaalitan habang natutulog sa Ermita, Maynila kaninang madaling araw.

Ang mag-ama na sina Jose Basco, may-asawa, at anak nitong si John Michael, walang permamenteng tirahan, ay ginagamot ngayon sa Philippine General Hospital. Nagtamo ng taga sa leeg si Jose habang ang anak ay may tama sa kaliwang paa.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang pangalang “Michael”, tinatayang nasa edad 25-28 anyos at maliit ang pangngatawan.

Sa report ni Police Insp. Federico Mateo, Hepe ng EAC Police Community Precinct ng Manila Police District (MPD)-Station 5 (Ermita), naganap ang pananaga dakong 2:00 ng madaling araw sa kanto ng TM Kalaw at Taft Ave.

Nabatid na magkakatabing  natutulog ang mga biktima at live in na si Marivic Escoro nang dumating at pagtatagain ang mga biktima.

Nagising naman agad ang mag-ama kaya hindi napuruhan ang batang biktima.

Ayon kay Mateo, matagal na umanong may alitan ang dalawa kaya hinala ng pulisya na rumesbak lamang ang suspek nang natiyempuhang natutulog ang biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply