Driver patay sa holdaper

TODAS ang jitney driver matapos barilin ng isa sa tatlong hindi pa kilalang mga holdaper nang hindi sumunod ang una sa Malabon City kagabi, Oktubre 28.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa likod na tumagos sa dibdib si Efren Balderama, 44 ng Ilang-Ilang st., Panghulo ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, kabilang sa mga pasahero ng nasawi ang mga biktima at pagsapit sa P. Aquino st., Tonsuya ng lungsod ay naglabas ng baril ang mga salarin sabay deklara ng holdap.

Kinuha ng mga suspek ang mga gamit at pera ng mga pasahero at inutusan ang biktima na ihinto ang dalang jitney.

Hindi sumunod ang biktima na naging dahilan upang putukan ng isa ang nasawi.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang nadala sa PLM ang nasawi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply