Drug den sinalakay, 6 arestado

MAHAHARAP sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang anim na naaresto sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa dalawang bahay na  ginagawa umanong drug den sa Santiago City, Isabela.

Nadakip sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at Santiago police office,   si Roderick Dela Cruz na siyang lider ng binansagang Dela Cruz drug group sa Brgy. Rizal, Santiago City kasama sina Regina Ariola, Benedict Jacinto, Carlos Corpuz, Modesto Cajas at Kristan De Leon sa bisa ng  search warrant na pinalabas ni Judge Anastacio Anghad ng Regional Trial Court Branch 36 sa Santiago City.

Narekober sa naturang lugar ang 20 plastic sachets ng pinaniniwalaang shabu, cellphone, P27,000 cash at drug paraphernalia habang ang ilan sa mga suspek ay naghpa-pot session nang isagawa ang pagsalakay.

Ilan pa sa mga ito ay naaktuhang nagpa-pot session.

Bago ito, unang sinalakay ng PDEA agents ang tahanan ni Regina, 36, sa Barangay Rizal kung saan nakarekober ang awtoridad ng  10 plastic sachet, cash na P27,000 ilan pang plastic sachet   at mga drug paraphernalia.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply