Drug money sa ARMM elections

PALASAK na ang mga katagang drug lords at drug money sa tuwing darating ang eleksyon sa ating bansa lalong lalo na dito sa Autonomous Region in Muslim Mindanao kung saan nagkakanlong diumano ang mga malalaking drug lords na direktang nakikipag-negosyo sa kanilang mga kasosyong Intsik na matagal ng problema ng ating kapulisan at ng PDEA.

Hindi na din bago na makita ng mga residente na nakikihalubilo sa mga lokal na opisyal at matataas na uniformed men gaya ng AFP at PNP ang mga taong kilala bilang mga sangkot sa pagbebenta ng mga iligal na droga sa rehiyon dahil diumano sa mga proteksyon na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga padrino.

Sa napipintong pagdaraos ng eleksyon, andyan ang pagbuhos ng malaking gastusin para ipanalo ang mga kandidato bagamat ang iba ay me tsambang manalo kahit kaunti ang pera dahil sa pagiging popular nila sa mga residente at pagiging parehas sa pakikihalubilo sa tao.

Pero ang pinakamasakit yata ay ang makuha ng mga drug lords ang nominasyon ng Liberal Party sa ilang munisipyo dito sa ARMM at hindi na nabigyan ng matamang proseso ang pagpili ng kanilang mga kandidato. Ito kaya ay bunga ng pagkapit sa patalim ng ilang LP stalwarts na makalikom ng pondo kahit na galing sa droga o pagiging tuso lang talaga nila?

Sa Bukidnon, mariing itinanggi ni Senador Teofisto Guingona Jr. na pinili nilang kandidato si Henry Bigcas bilang kandidato sa pagka-gobernador sa kanilang lalawigan. Sana ganito din ang gawin ng ilang lider ng Liberal Party na ibalik ang nominasyon ng mga taong konektado sa iligal na droga at iba pang maling gawi sa ating lipunan dahil ang paniwala natin na ang daang matuwid ay hindi kasama ang mga taong salot ng lipunan.

Hindi dapat ipagsawalang kibo ng PDEA at ng iba pang ahensya ng gobyerno ang pagsugpo sa iligal na droga kahit sa panahon ng eleksyon para maipakita sa mga taong me kinalaman dito na hindi sapat na magkanlong sa likod ng kapangyarihan ng mga lokal na opisyal ang kanilang mga lahi. Dapat sa kanila ay pinaliliguan ng asido bago bitayin sa Rizal Park.

-000-

MAGHAHAIN bukas, Biyernes, sa Cotabato City sa satellite office ng COMELEC ARMM si OIC Regional Governor Mujiv Hataman ng kanyang Certificate of Candidacy bilang opisyal na kandidato ng Liberal Party sa pagka-regional governor sa darating na 2013 elections.

Ito ay bunsod ng malawakang panawagan ng ibat-ibang sektor sa ARMM na ituloy ang kanyang nasimulan na reporma ayon sa polisiya ni PNoy na pagtahak sa daang matuwid.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply