Ducati owners at lovers, nagsama-sama!

MATAPOS ang matagumpay na pagsasagawa ng unang Asia Ducati Week noong 2010, muling pinagsama-sama sa pangalawang pagkakataon ang mga DUCATISTI sa buong mundo para sa pangalawang biggest Ducati gathering sa Asia ang Asia Ducati Week 2012 na ginanap sa Malaysia noong Oktubre 18 hanggang Oktubre 23, 2012.

Ang anim na araw na event ay sinimulan sa pamamagitan ng isang dinner na dinaluhan ng Ducati MotoGP riders, dahil na rin sa kasabay nitong race na MotoGP na ginawa naman sa Sepang, Malaysia. Maliban sa mga rider, dumalo rin ang mga Ducati enthusiasts at matapos ang dinner ay sinundan nila ito ng street parties sa down-town Kuala Lumpur, na kahit saan ka man lumingon ay kulay pulang Big Bike lamang ang makikita mo.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga Ducatisti na magpunta sa Ducati Riding Experience sa Sepang International Circuit. Nagkaron ng tatlong level ang course gaya ng Basic, Intermediate at Advanced kung saan tinuruan ang bawat isa sa kanila upang ma-improve ang kanilang riding skills.

Noong 2010 sumama sa mga participants sa racing circuit si World Superbike champion Troy Bayliss, ngayong taon, buong sayang nakisaya at nakipagkompetensya si Loris Capirossi.

Ang Asia Ducati Week ay hango sa sikat na World Ducati Week na ginagawa sa Misano World Circuit sa Italy, kung saan nakapagtala na rin ito ng record-breaking na 60,000 motorcyclists galing sa iba’t ibang parte ng mundo na dumalo dala ang kanilang Ducati motorcycle.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply