Duguang Tigers pipilit ng Game 3

PAGSARA sa serye ang pakay ng four-time defending champion Ateneo Blue Eagles habang pagbawi naman ang sumisiksik sa isipan ng galit na galit na University of Sto. Tomas Growling Tigers.

Ngayong alas tres trenta ng hapon magpapatuloy ang napakainit na labanan ng Blue Eagles at Tigers sa Game 2 ng 75th UAAP men’s basketball finals na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Iwawagayway ng Eagles ang 1-0 bentahe pagpasok nila ng basketball court habang ika-ika naman ang sugatang Tigers.

Ayon kay outgoing coach Norman Black ay pinag-isipan niya ng mabuti ang preparasyon nila sa Game 2 matapos ipaalala sa kanya ang nangyari noong 2006 kung saan ay tinalo sila ng UST.

Gusto na rin ni Black na tapusin ang serye para sa kanyang farewell championship kaya pihadong ibababad nito ang kanyang matitikas na players na sina Nico Salva na tumikada ng career-high 30 points sa game 1, Ryan Buenafe, Kiefer Ravena at 7-footer Greg Slaughter.

Samantala, kahit duguan ay walang iniisip ngayon ang Tigers kundi ibaon ang kanilang pangil sa Eagles upang makapuwersa ng Game 3 sa Sabado.

Muling huhugutin ni UST coach PiDo Jarencio Jeric Teng at Aljon Mariano upang saltohin ang Ateneo sa asam na five-peat.

Sumagpang ng 25 at 22 points sa opener sina Teng at Mariano ayon sa pagkakasunod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply