Dumadalaw sa sementeryo, dagsa na

BISPERAS pa lamang ng Undas ay dumagsa na kahapon ang mga dumadalaw sa mga puntod sa dalawang malaking sementeryo sa lungsod ng Paranaque.

Nabatid sa hepe ng Paranaque police na si Sr. Supt. Billy Beltran, kahapon pa lamang ng umaga ay marami nang bumisita sa sementeryo ng Manila Memorial Park at Layola Memorial Park na nasa Dr. A Santos Avenue ,Sucat Road nang nasabing lungsod.

Ayon kay Beltran, mahigpit nilang ipinapatupad ang seguridad kasama ang ilang tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at mga barangay official sa dalawang naturang sementeryo.

Dagdag pa nito, hindi lamang ang dalawang malaking sementeryo ang binibigyang seguridad gayundin ang mga maliiit na sementeryo sa kanilang nasasakupan lugar.

Sinabi pa ni Beltran na mula kahapon ay wala pa namang naitatalang anumang insidente sa lugar at patuloy na ipinatutupad ang inspeksyon sa bawat pumasok sa mga sementeryo.

Tinatayang nasa mahigit 2,500 ang bumisita sa Manila Memorial Park at Loyola Memorial Park at inaasahang pa na mas marami pang dadagsa ngayon hanggang sa araw ng Sabado.

Idinagdag pa ni Beltran na may mga nakatalagang health centers sa bawat sulok ng mga sementeryo upang magbigay ng first aid sa mga taong mahihilo o magkaroon man ng hindi magandang karamdaman.

Kaugnay nito, nag-ikot naman kahapon si NCRPO Director Chief Supt. Leonardo Espina at Philippine National Police (PNP) chief Nicanor Bartlome sa mga bus terminal sa EDSA Taft sa Pasay City upang tiyakin ang inilatag na seguridad at maging ligtas ang mga pasahero na magtutungo sa malalayong probinsiya at luluwas ng Maynila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply