Dutch national nagbaril sa sentido

HINDI makayanang sakit sa cancer umano ang dahilan kaya nagpakamatay ang isang Dutch national matapos itong magbaril sa sarili sa kanyang tinutuluyang apartelle kagabi sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Koenraad Johannes Van Hees, Dutch national, 69, tubong Holland at nanunuluyan sa Room 505 Casablanca Apartelle na matatagpuan sa 1447 Adriatico Street Ermita, Maynila.

May nakita namang suicide note sa kuwarto ng biktima, para sa kanyang ka-live-in na si Roumelia Claudio, 40, tubong Zamboanga City na ang nilalaman ay ang katagang  “Im sorry,everything in this room is yours, so you can start a new life”.

Na rekober sa tabi ng biktima ang isang .38 kalibre ng baril na ginamit sa pagpapakamatay.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas 6:30 ng gabi sa kuwarto ng biktima, matapos na lumabas ng bahay si Claudio para bumili ng hipon na kanilang kakainin sa hapunan.

Nang bumalik si Claudio sa kanilang apartelle ay nabulaga na lamang siya nang makitang duguan sa comfort room ang biktima.

Nalaman na dating labandera sa casa blanca apartelle si Claudio at nagkarelasyon sila ng biktima ng dumating ito sa Pilipinas at nangupahan sa apartelle.

Bukod sa cancer, madalas din umanong inaatake ng migraine ang biktima at malimit na nagpa-pa check-up ang biktima sa Manila Doctors Hospital.

Posible umanong hindi na nakayanan pa ng biktima ang dami ng iniindang sakit kaya naman minabuti na lamang niyang kitilin ang sariling buhay upang matapos na ang kanyang paghihirap.

Bago nagbaril sa sarili, inatake umano ng kanyang sakit na migraine ang biktima, hinala ni Claudio na hindi na nito makayanan ang sakit ng ulo na nararanasan kaya winakasan niya ang kanyang buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply