EcoWaste nagbabala sa maskara, face paints para sa Halloween

NAGBABALA ang anti-toxic watchdog na EcoWaste Coalition sa publiko, partikular na sa mga bata, laban sa paggamit ng mga maskara, mga prop at mga face paint para sa paggunita sa Halloween dahil marami sa mga ito’y nagtataglay ng nakakalasong kemikal na maaaring makasama sa kalusugan at sa kapaligiran.

Ang babala ay ginawa ng grupo kasunod nang pagdami ng mga Halloween product sa merkado ngayon bunsod na rin nang nalalapit na paggunita ng Undas.

Ayon sa EcoWaste Coalition, sinuri nila ang ilang Halloween products at natuklasan nila na marami sa mga ito ang nagtataglay ng mataas na lebel ng heavy metals tulad ng antimony, arsenic, cadmium, chromium, lead at mercury.

Nabatid na kabilang sa mga sinuri ng EcoWaste, gamit ang X-Ray Fluorescence (XRF) analyzer, ay may 60 Halloween products tulad ng mga maskara at mga face paints, na mabibili mula sa halagang P10 hanggang P350 sa binebenta sa top-ranked retail stores sa Mandaluyong, Makati, Taguig at Quezon City, gayundin sa Divisoria, sa Tondo, Manila, kung saan maraming mga laruan ang naka-bargain.

Wala rin umano sa mga nabili nilang produkto ang naglalagay ng kaukulang impormasyon at babala sa publiko hinggil sa mga kemikal na taglay nito.

“Consumers are literally kept in the dark about these creepy substances in some Halloween products. It’s high time for manufacturers, importers, distributors and retailers to fully disclose the chemical contents of the products they make and sell, and replace toxic chemicals with safer substitutes,” ani Thony Dizon, Coordinator ng Project Protect ng EcoWaste Coalition.

Kasabay nito, pinayuhan din ng grupo ang mga mamimili na sila na mismo ang magsagawa ng sarili nilang pag-iingat sa pagbili ng mga Halloween products.

Payo pa ng grupo, mas makabubuti kung gumawa na lamang ng sariling costume, na gawa sa mga recycled at eco-friendly materials para sa Halloween upang masigurong ligtas ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply