EcoWaste sa publiko: Wag maging ‘Zombasura’

“HUWAG maging Zombasura.” Ito ang panawagan ng grupong Ecowaste Coalition sa publiko kaugnay nang nalalapit na paggunita ng mga Filipino sa All Soul’s Day o Araw ng mga Patay at inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo.

Ayon sa EcoWaste, ang Zombasura, na hinango sa pinagsamang salitang ‘zombie’ at ‘basura’, ang kanilang taguri sa mga taong nagkakalat sa mga sementeryo.

Sinabi ng grupo na hindi dapat na gawing “burial grounds” para sa mga basura ang mga sementeryo at sa halip ay gawing ‘waste-free’ ang paggunita sa naturang espesyal na okasyon para sa mga yumaong mahal sa buhay.

Iginiit ng grupo na maaari namang idaos ang selebrasyon ng hindi nagkakalat dahil ang pagkakalat ay kawalan ng paggalang sa mga yumao.

“We surely can express our reverence and gratitude for our departed relatives and friends sans unashamed littering and dumping. The festive occasion is not an excuse for litterbugs to dirty and defile the cemeteries and convert them from burial to dumping grounds,” ani Romy Hidalgo, Board member ng EcoWaste Coalition, at bagong talagang NGO Representative to the National Solid Waste Management Commission.

“Be responsible enough not to leave any trash behind the cemetery, a hallowed ground deserving our utmost respect. Please refrain from being a hardhearted Zombasura,” ayon pa kay Hidalgo.

Nagbabala rin ang grupo sa publiko na ang ikinakalat na basura ang nagiging dahilan nang pagbabara ng mga daanang-tubig, na siya ring ugat nang pagbaha sa tuwing nagkakaroon ng mga pag-ulan sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply