Eid’l Adha ginugunita ngayong araw

BILANG paggunita sa Araw ng Pagsasakripisyo ng mga kasapi ng relihiyong Islam, ginugunita ngayong araw ng mga kapatid na Muslim ang Eid’l Adha.

Tinatayang aabot sa tatlong milyong mga Muslim pilgrims na ang nasa banal na Lungsod ng Meccah sa Saudi Arabia para sa taunang Hajj.

Batay naman sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), tinatayang aabot naman sa 6,000 mga Pilipino ang nakiisa sa naturang banal na paglalakbay.

Magkakatay ng mga tupa, baka, at kambing ang mga Muslim sa Meccah bilang alay kay Allah na siyang paggunita sa sakripisyong ginawa ni Abraham sa kanyang pakikipagtipan ayon sa Qu’ran o ang bibliya ng Islam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply