Ekonomiya sa Mindanao inaasahang lalago

MALAKI ang tiwala ng Federation of Philippine Industry (FPI) na lalo pang sisigla ang ekonomiya sa Mindanao kasunod ng nilagdaang Framework Peace Agreement kahapon.

Ayon kay FPI Chairman Jess Aranza, ang kapayapaan o katahimikan sa isang partikular na lugar ang pangunahing tinitingnan ng mga sektor ng korporasyon bago magbuhos ng kanilang puhunan.

Kasabay nito, umaasa si Aranza na magiging tapat ang gobyerno at MILF na tutuparin ang nilalaman ng Framework Peace Agreement kapalit ng kapayapaan sa Mindanao.

Ang FPI ay binubuo ng mahigit 40 manufacturer at industries kasama ang may 90 korporasyon sa bansa.

Samantala, handa na rin ang mga negosyante sa bansa na makipagtulungan sa pamahalaan para maging matagumpay ang Framework Peace Agreement.

Ayon kay Makati Business Club Executive Director Peter Angelo Perfecto, nagdulot ng malaking pag-asa sa bansa ang nabuong kasunduan na magbibigay daan sa kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply