Elizabeth Ramsey hataw at maliksi pa rin

SOBRANG impressed kami kay Elizabeth Ramsey, ang beteranang komedyante na ina ni Jaya dahil sa edad niyang 81 years old, hataw at maliksi pa rin ang kanyang pangangatawan sa entablado. Huling napanood namin si Mommy Beth na nag-perform sa isang okasyon sa Malate na ang Hermana mayor ay ang kaibigan naming donya na si Tess Palado na kaibigan rin ni Daisy Romualdez.

Akala namin, kwentong kutsero lamang na may inaalagaang Sto. Nino at Mahal na Birhen na mapaghimala itong si Mommy Elizabeth sa bahay niya sa may Old Balara, Quezon City kaya aming sinadya ito.

Sa pagpasok palang namin sa kanyang bahay, nabungaran agad namin ang mapaghimalang mahal na Birhen at isang malaking Sto. Nino sa sala ng kanyang bahay. Sobrang nanghilakbot kami sa aming natunghayan at nakita sa loob ng kanyang bahay kung saan lahat ng sulok ay may makikita kang rebulto ng mga santo lalo na nang ipinasok niya kami sa airconditioned room na puro santo lamang ang laman nito, kaagad kaming nakapagdasal at nakaramdam ng ginhawa.

Sobrang na-impress kami kay Mommy Beth dahil ang komedyanang nagpapatawa pala sa entablado at paminsan-minsa’y may mga binibitawang green jokes ay isa palang relihiyosa. Siguro nga, ang mga mapagpalang Sto.Nino at Mahal na Birhen ang siyang nagbibigay ng energy kay mommy Beth kapag siya’y nagpi-perform na sa entablado kaya nagagawa n’yang pasiyahin ang mga manonood.

Doon sa mga kapatid natin sa panulat, wala pong masama kung subukan nating hawakan at mag-usal ng mga panala- ngin sa mapaghimalang Sto.Nino at Mahal na Birhen sa kanyang Old Balara mansion. Hindi po siya nanghihingi ng bayad at kahit anong donasyon.

***

Sexy actor ginugulangan na lang ang mga parukyanong matrona’t bading!

HANGGANG ngayon, hindi pa rin nagbabago ng istilo sa panloloko sa kanyang mga nagiging parukyano na mayayamang bakla ang sexy-actor na’to. May insidente kaming na-encounter at nakausap na isang mayamang bading na umano’y naglahad ng kanyang masasamang karanasan sa nasabing sexy-actor.

Ayon pa rito, inalok raw siya ng nasambit na sexy-actor ng isang gabing pagtatalik sa halagang 50k. Naunang dumating ang mayamang bading sa hotel na iyon at maya-maya, dumating na rin ang ating subject na sexy-actor. Hindi pa nga daw nakapaghuhubad ang sexy-actor ay hiningi na kaagad nito sa mayamang bading ang pinag-usapang cash na 50k.

Kaya naman kaagad na ring ibinigay ng ricang vaklung ang anda. Ang kaso, ilang segundo lamang raw ay biglang nag-ring kuno ang cell ng aktor at emergency raw ang natanggap nitong tawag.Dahil sobrang nabalisa raw si seksi-aktor habang may kausap sa kabilang linya, nagulat na lang daw ang vaklung nang sabihin ni sexy-actor sa kausap na kaagad-agad niyang pupuntahan ito.

Ang kawawang bakla, sobrang nanghinayang at nanlumo na lang sa drama ni sexy-actor na kailangan kuno nitong umalis agad dahil sa emergency ang kanyang pupuntahan. Nangako naman daw si sexy-actor na babalik agad ito pero namuti na ang mga mata ng mayamang bakla sa paghihintay pero ni anino ng sexy-actor ay hindi na muling nagpakita pa.

Ang siste pa nito’y may isang mayamang bading na amiga ng ating subject na mayamang baklush ang nakapagkwento na nakita raw niya sa isang casinong nagsusugal itong si sexy-actor. Siyempre sa galit ng mayamang bakla ay kaagad na tinawagan nito si sexy-actor at kanyang pinagmumumura ito. Confirmed na hindi na nga talaga nagbago sa kanyang masamang bisyo at balita pa ring patuloy pa rin diumano ang paggamit ng ipinagbabawal na droga ng sexy actor.

Sino siya? Hulaan n’yo! Harharhar! Bakit kasi pinagtityagaan pa nila ang sexy-actor na balita namin ay hindi naman kalakihan ang kargada, baluktot pa ang nota.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply