Empleyado ng DFA, nagprotesta

NAG-PROTESTA ang mga empleyado ng Department of Foreign Affairs dahil sa di-pag-aksyon ng mga opisyal nito sa matagal ng di naibibigay na staple food allowance na dapat ay noon pang 2011 ibinigay sa kanila.

Ayon kay Michael Macaraeg, presidente ng unyon ng mga empleyado ng DFA, naghihinanakit na sila sa kasalukuyang administrasyon ng DFA, dahil matagal na nila itong inilapit sa kaalaman ng mga opisyal subalit pinagkikibit-balikat lamang .

Kung ang mga manggagawa sa ibang bansa o mga OFWs ay sinasagot ng ahesya ang mga pangangailangan, ayon kay Macaraeg, ay kung bakit hindi nila maibigay ang dapat lamang na para sa mga empleyado na nasa mismong bakuran ng Department of Foreign Affairs.

Magpapatuloy umano ang protesta ng mga manggagawa sa harapan ng DFA, hanggat di inaaksyunan ang kanilang hinaing sa administrasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply