Employment ban sa Jordan, Lebanon, inalis na ng POEA

KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inalis na ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA ang ban sa pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFW)  sa bansang Jordan at Lebanon.

Ayon kay Labor Sec. Rosalinda Baldoz, ito ay batay sa ipinalabas na resolusyon ng POEA kung saan napagkasunduan ng kapulungan na tanggalin pansamantala ang pagbabawal sa pagdedeploy ng mga bagong tanggap na kasambahay sa Kingdon of Jordan.

Sinabi pa ng kalihim na walang dapat ipangamba ang mga OFW na hindi na sila makakabalik pa sa nasabing mga bansa kapag sila ay umuwi sa Pilipinas ngayong Pasko at Bagong taon .

Matatandaan na pinigilan ng POEA ang pagpapadala ng mangagagawa sa Jordan at Lebanon dahil na rin sa mga nagaganap na kagulohan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply