Enchong Dee hindi bakla – Maja Salvador

KINULIT ng press si Maja Salvador tungkol sa tsismis ng gender ng katambal niyang si Enchong Dee. Noon pa man kasi, may usaping baklita raw si Enchong Dee. And now that magkatambal nga’ng dalawa sa isang teleserye, si Maja ang pinutakti kung true nga ito.

Mismong mga press kasi ay duda na rin sa tunay na gender ni Enchong. Hindi ba naaapektuhan ng isyung ito ang pagtingin niya sa actor?

Tugon ni Maja, “No. Kilala ko ang kaibigan ko. Hindi totoo iyon!”

“Siyempre, di ba, bilang nandito kami sa industriyang ito, may mga lalabas at lalabas na ganyan.”

“Pero ako na ang nagsasabi na hindi.”

“And I’m very lucky na ka-loveteam ko siya ngayon.”

First time na magiging magka-loveteam nina Maja Salvador at Enchong Dee sa Ina Kapatid Anak, ang pinakabagong teleserye ng Dos.

Naka-angkla ang kamay ni Maja sa kaliwang bisig ni Enchong habang ini-interview sila.

Nagpaliwanag agad ang young actress tungkol dito.

Sabi ni Maja, “Gustung-gusto kong nilalambing si Enchong!”

Inaasahan rin daw nila ni Enchong na mali-link sila sa isa’t isa ngayong sila naman ang magka-loveteam.

“Ganoon naman po, e, di  ba? Kapag may trabaho, nali-link ka sa ka-loveteam mo? Natural na ‘yan, e.

“Pero ngayon, yung sa amin ni Enchong, ibang friendship lang kasi,” sabi ng Kapamilya young actress.

O baka sinasakyan lang nila ngayon na magkaroon ng romantic angle sa kanila dahil nga sila ang magkapareha sa Ina Kapatid Anak?

“Ay, hindi. Alam namin sa isa’t isa na hindi namin sinasakyan ang career ng bawat isa.

“Uhm… nirerespeto ko siya at alam kong inirerespeto ako ni Enchong. At very supportive kami sa isa’t isa.”

Tumaas naman ang kilay ni Maja nang mausisa naman siya tungkol sa pagkaka-link niya kay Sam Milby.

“Hindi po totoo,” diin ni Maja.

Pero bakit sila natsitsismis?

“Kasi nga, nakita kami sa concert ni Sarah G [Geronimo]. Na biglaan lang naman kaming magkasama noon.

“Friends lang kami ni Sam.

“At kapag ganyan na friends, hindi maiwasang nalalagyan talaga ng ibang kulay.”

***

‘Bakla’ si Aljur Abrenica; ‘kabit’ naman ng bakla si Prince Stefan

NAGBAKLA-BAKLAAN si Aljur Abrenica sa “Coffee Prince” to avoid na ipakasal ng kanyang lola sa isang girl na ayaw niya. Tama naman na dumating sa buhay niya si Kris Bernal na nagpanggap namang lalaki para makuhang staff ng kapehang pag-aari ni Aljur. Inalok niyang magpanggap na gay lover niya si Kris, not knowing na girlalu ito.

Ito ang buod ng comeback vehicle ng Aljur Abrenica-Kris Bernal love team, the local version of the Koreanovela Coffee Prince, which will replace One True Love.

One True Love is a toprater that hit the number one spot in the ratings. Does Aljur think they can duplicate or even surpass its success?

“It’ll definitely be a big challenge for us,” kampanteng sabi ni Aljur. “Pero kung malakas man ang susundan naming show, I believe may laban naman kami kasi our fans tell us matagal na nilang na-miss ang aming love team and they’ll surely support ang latest project namin. Also, pre-sold na ang Coffee Prince kasi may built-in followers na ito who followed it when it starred Korean stars. They’re curious kung anong gagawin namin ni Kris rito.”

What does he think of Kris as a man? “Ang guwapo pala niyang lalaki. Kasama namin rito as barkada sina Boy2 Quizon, Sef Cadayona, Fabio Ide and Steven Silva. Lahat sila, one of the boys ang treatment sa kanya. Tricycle driver siya rito at ako naman, nagpanggap na bakla para tigilan ako ng lola kong si Celia Rodriguez na pinipilit akong mag-asawa. Akala ko, lalaki talaga si Kris so I convinced her na magpanggap na gay lover ko.”

Kumusta na ba sila ni Kylie Padilla? “We’re still shooting ‘Kuratong Baleleng’ with her dad. Puro Padilla ang kasama ko roon.”

How does he feel about it? “Okay naman. It’s an honor to work with them. Di naman ako naiilang kasi mababait silang lahat sa ’kin. I’m also in ‘Sosy Problems’ na filmfest entry.”

Did Kylie feel sad when Haram was cancelled? “Yes, at ako rin, nalungkot for her. Pero papalitan naman daw ng ibang show. But let’s just focus on ‘Coffee Prince’ dahil itong palalabas na on Monday.”

Si Prince Stefan naman ay nagbalik na sa Maynila matapos ang mahabang pagti-TNT sa US. Habang wala siya, marami ang lumutang na tsismis sa kanya. Alam ba niya yun?

“Yes, lahat nakakarating sa’kin through my relatives,” sabi niya. “Una, nag-asawa raw ako roon. What’s even worse, I had same sex marriage raw, which is something I’d never do. I was staying with my relatives in Glendale and Eagle Rock.”

Ano naramdaman niya? “I can’t understand why yung akala kong friends ko rito, sila pang naninira sa akin. Puro imbento. I got worried at first but I decided to just ignore it kasi I know the truth.”

Didn’t he think of staying there for good? “”o. Ano, magti-TNT ako roon? At saka mas enjoy ako rito.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply