Engineer, parak, 2 pa arestado sa shabu

ISANG engineer at isang opisyal at dalawang iba pa ang nahuli ng anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na operasyon sa Cagayan.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga nahuling sina  PO1 Juanito Peralta, alias Bong, 46 anyos, nakatalaga sa  Cabugao Police Station; at Sonny Butel, 37 anyos, at isang  engineer at nagtatrabaho bilang planning officer sa  Flora, Apayao sa Cagayan.

Sina Peralta at Butel ay nadakip ng mga elemento ng PDEA Regional Office 2 (PDEA RO2) sa pamumuno ni  Director Juvenal Azurin matapos alukin ng shabu ang poseur buyer ng PDEA sa  Barangay L. Aviento, Gattaran, Cagayan at kasama ring nakumpiska sa dalawa ang isang Racal na motorsiklo at P6,000 marked money na ginamit sa transaksiyon.

Nang araw din iyon nadakip naman sa hiwalay na buy-bust operation sina Moisel Louie Castro, alias Pape, 39 anyos at  Alfred dela Cruz, alias Abe, 31 anyos, ng  Lamo Bridge, Barangay Lamo, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya matapos silang mahulihan ng 3 sachet ng shabu .

Pansamantalang nakapiit sa PDEA RO2 sa Tuguegarao City ang apat na suspek na pawang nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply