Enrile ipinagtanggol si Recto vs mga kritiko

IPINAGTANGGOL ni Senate President Juan Ponce Enrile si Senator Ralph Recto na kaliwa’t kanang batikos ang tinanggap sa mga kritiko dahil sa ipinasang bersyon ng Sin Tax Bill.

Sinabi ni Enrile na mayroong karapatan ang senado na magmungkahi ng ibang solusyon sa Sin Tax Bill.

Giit pa ni Enrile na hindi sila rubber stamp ng sinuman, at responsibilidad din umano ng nakararami sa Senado at Kongreso na mag-isip kung ano ang mas maganda at mas makatotohanan na Sin Tax Bill.

Hinangaan din ng Senate President si Recto dahil sa pinakamagandang sponsorship speech na kanyang narinig mula rito.

Pinanindigan din ni Recto ang kanyang bersyon ng Sin Tax Bill na kikita ng hanggang sa P20 billion sa unang taon ng implementasyon na aniya’y “realistic” kung ihahambing sa P60 billion target ng Malakanyang na tinawag naman niyang hindi makatotohanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply