Enrile kakasuhan sa Ombudsman ng Martial Law victims

NAKATAKDANG kasuhan si Senate President Juan Ponce Enrile sa Office of the Ombudsman ng mga nagpapakilalang martial law victims hinggil sa paglabag sa batas nang ibulgar ang nilalaman ng Brady notes.

Sa panayam, sinabi nina Aloy Borja at Roel Garcia, pagkilalang martial law victims na kakasuhan nila si Enrile bilang tugon sa pagbubulgar ng Brady notes na naglalaman ng usapan nina Sen. Antonio Trillanes IV at Philippine Ambassador to China Sonia Brady hinggil sa back channelling sa maritime dispute.

Ayon sa grupo, nilabag ni Enrile ang ilang probisyon ng batas sa mga sumusunod kaugnay sa pagbubulgar ng Brady notes:

1.     Violation of Article 188 of the Revised Penal Code– Inciting to War of giving motives for reprisals;
2.     Violation of Article 154 of the Revised Penal Code – Unlawful use of means of publications and unlawful utterances;
3.     Violation of Article 229 of the Revised Penal Code  – Revelation of Secrets by an Officer;
4.     Violation of Section 3 of Republic Act 3019 on Corrupt practices;
5.     Violation of Section 7 of RA 6713 – Prohibited Acts and Transactions

“The above provisions were violated by Sen. Juan Ponce Enrile in response to the privilege speech of Sen. Antonio Trillanes IV in a privilege speech at the Senate on Sept. 19, 2012,” ayon sa grupo.

Sa kanyang privilege speech, binatikos ni Trillanes at tinawaag si Enrile na nambabraso upang maipasa kaagad ang panukalang hatiin sa dalawang lalawigan ang Camarines Sur.

Ngunit sa halip na tugunan ang paratang ni Trillanes, ibinulgar ni Enrile ang tinaguriang Brady Notes, na siyang ikinairita ng senador kaya ito nag-walk out sa session hall noong September 19, 2012.

Samantala, walang tugon ang tanggapan nina Trillanes at Enrile sa naturang pangyayari hanggang isinusulat ang balitang ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply