Enrile kinasuhan sa Ombudsman

PORMAL ng isinampa sa tanggapan ng Ombudsman ng bagong tatag na grupong May Pag-asa ang patong-patong na kasong paglabag sa Revised Penal Code of the Philippines laban kay  Senate President Juan Ponce Enrile.

Ayon kay Roel Garcia spokesperson ng gupong May Pag-asa nilabag umano ni Sen Enrile ang iba’t-ibang probisyon ng batas kabilang na ang Article 118 o  Inciting to War or giving motives for reprisals,  Article 154 o unlawful use of means of publication and unlawful utterances at Article 229 o Revelation of Secrets by an officer dahilan sa pagsisiwalat nito sa isang lihim na usapan sa pagitan bansang China at Pilipinas

Tinutukoy ng grupong nagpapakilalang tagapagsulong ng repormang pulitika sa bansa ang naganap na back-door negotiation nina Sen. Antonio Trillanes at matataas na opisyal ng Tsina kaugnay sa pinag-aagawang Scarborough Shoal.

Kabilang din sa kasong isasampa laban sa pangatlong pinakamataas na opisyal sa bansa ang paglabag sa Section 3 ng Republic Act No. 3019 o  Corrupt Practices of Public Officers at section7 ng RA 6713 o Prohibited Acts and Transactions.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply