Enrile magbibitiw sa pagpasa ng Anti-Dynasty bill

INIHAYAG ni Senate President Juan Ponce Enrile na nakahanda siyang magbitiw at magbigay-daan sa anak na si Cagayan Rep. Jackie Enrile sakaling maipasa ng Kongreso ang Anti-Dynasty bill.

Sa panayam sa radyo nitong Linggo, sinabi ni Enrile na nakahanda siyang magbigay-daan sa anak upang maisakatuparan ang adhikain ng Anti-Dynasty bill na nakabinbin sa Kongreso.

“Kung maipapasa natin yan, okey lang sa akin. I am going to resign in order to give way to my son. I will do it. I cannot be an obstacle to my son,” ayon kay Enrile.

Tinutukoy ni Enrile ang Anti-Dynasty Bill na isinusulong ngayon sa Kongreso na magpasa ng kaukulang batas alinsunod sa probisyon sa Saligang Batas na nagbabawal sa political dynasty.

Ngunit, sinabi ni Enrile na sakaling maipasa ang naturang panukala, kailangan maipatupad ito sa lahat.

“Alam ko kaya nya yan, kaysa ibang inihalal ng bayan, not because he is my son. Simple lang yan, I am favor to anti-dynasty law, but it must  apply to everybody if passed into law, I willing to resign as a senator to give way for my son,” ayon kay Enrile.

Sinabi pa ni Enrile na naihahalal ang mga local na politico tulad ng kanyang anak dahil kagustuhan ng taumbayan sa kanilang nasasakupan.

“Most of the local people that I knew are elected because they are doing well to their people. Nasa local people yan eh. May gustong mapagbigyan sila,” aniya.

“Marahil inihahalal sila ng taumbayan dahil mahusay silang magmaneho, at mahusay  silang makisama sa taumbayan. Pero ang mga brilliant,  sikat at mayaman, basura sila dahil masama ang ugali nila,” dagdag pa ni Enrile.

Sinabi pa ni Enrile na dapat din umanong himayin nang todo ang panukala upang maipaliwanag sa taumbayan ang magaganap sakaling maipasa ang panukala upang hindi malito ang botante.

“Pag-aralan bago talakayin iyan,  naguguluhan tuloy ang taumbayan. Marami ang gusto niyan pero hindi naman sila nahahalal eh. Ayaw ng bayan sa kanila,” aniya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply