Enrile posibleng matulad kay Corona – Miriam

MALAMANG na matulad umano si Senate President Juan Ponce Enrile sa sinapit ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona kapag patuloy na hinarang nito ang pagpapatibay sa dalawang panukalang batas na isinusulong ng administrasyon.

Ayon kay Senator Miriam Defensor Santiago,  hindi malayong itulak ni Pangulong Benigno aquino III ang pagsibak kay Enrile kung patuloy itong magiging sagabal sa pagpapatibay ng Reproductive Health Bill at ang Revenue Generating Measure na ‘Excise Tax’ sa mga tinatawag na sin products sa alak at sigarilyo.

Sinabi ni Santiago na kahit apat lang ang miyembro ng liberal party sa Senado ay marami pa rin ang kakampi kay Pangulong Aquino kapag sinimulan nitong gapangin ang pagpapatalsik kay Enrile.

Matatandaang nitong nakalipas na buwan ay dalawang beses na lumutang ang balita na planong kudeta sa Senado.

Una ay nang umamin si Enrile na may tumatrabaho sa kanya para mapatalsik sa puwesto. Habang ang pangalawa ay nang aminin ni Sen. Antonio Trillanes na siya ang gustong magpatalsik kay Enrile.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply