EO sa pagbuo ng Transition Commission para sa Bangsamoro, ilalabas

MAGPAPALABAS na si Pangulong Noynoy Aquino ng executive order para sa pagbuo ng Transition Commission na babalangkas sa Bangsamoro Basic Law.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Teresita Quintos-Deles, dalawa hanggang tatlong linggo ay inaasahang ilalabas na ni Pangulong Noynoy ang EO dahil nais ng tignan
ng magkabilang panig ang draft ng Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay Deles, matagal nang nagawa ng nasabing draft at kailangan na lamang itong rebisahin.

Samantala, naniniwala naman si House Speaker Feliciano Belmonte na bagamat hindi perpekto ang frame work agreement, naniniwala siya na sa tulong ng mamamayan ay maisasakatuparan ito.

Sinabi pa ni Belmonte na kumpiyansa naman ang mga kongresista sa adhikain ni Pangulong Aquino hinggil sa usaping pangkapayapaan.

Sa Nobyembre, nakatakdang magpulong muli ang GRP at MILF para sa kabuuan ng Framework Agreement.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply